May Rush Hour Ba sa Third World Country/Rogelio Braga

img_1294-1Isang bagong graduate at ang una niyang trabaho sa corporate world, call center agent na naghahabol ng performance metrics sa floor habang may kudeta sa Makati, huntahan sa bus ng isang sundalong lumaban sa all-out war ng gubyerno sa Mindanao at ng isang baklang Manileño, marahas na paghaharap ng matandang naghahanap ng trabaho sa Maynila at ng nagwawalang elepante sa Aurora Boulevard sa Cubao, mga OFW na nagbalik sa Pilipinas bitbit ang mga bagahe ng mga iniwanan, mga batang lansangan na lumikha at nagwasak ng mga bayan, mga manunulat na inilako ang kaluluwa para sa bayan. Ito ang aklat ng mga kuwento ng paroo’t parito, ng mga tauhan na hindi mapakali sa iisang lunan, ng mga paglalakad, at mga pag-asa  na may mararating na hantungan paano man ang paglalakbay. Labing dalawang katha na kung hindi naisulat ay nailathala sa unang dekada ng bagong siglo.  Ang May Rush Hour Ba Sa Third World Country? ay mga testamento ng mandudula at nobelista na si Rogelio Braga sa unang dekada ng bagong milenyum.   

 

Narito ang bansa sa May Rush Hour Ba Sa Thirld World Country? ni Rogelio Braga. Ito ang Luzon, Visayas, at Mindanao sa loob at labas ng Maynila. Bida rito ang mga mamamayan na bagong graduate at naghahanap ng trabaho, call center agent, na-lay off, balikbayang OFW sa Middle East, sundalo’t NGO worker, nobelista – puhunan at manggagawa ng pangserbisyong ekonomiya na pag-asa ang gasolina at/ngunit katulad ng tauhan sa pangsarang kuwento na Mga: “Nais na niyang tapusin ang pag-asa sa hindi dumarating na pagkakataon. Ngunit ang hindi alam ni Edgar, na sa lungsod na iyon na pinaglagakan sa kanya, nasa kamay palagi ng pagkakataon ang lahat ng pagpapasiya.”

Ito ang Filipino: wika, sensibilidad, lunan, panahon at pangyayari. Modernismong manunulat si Braga na etnographer ng wika at kultura. Na-master niya ang kurot at kiliti, timpi at bulas, wisyo at siste sa paghuli sa pang-araw-araw na lengguwahe, gayundin, sa talas sa paglalaro sa mga kasalukuyang anomalya ng wika katulad ng katahimikan, kabanalan, kerengkeng, at inhustisya sa rasyonalisasyon sa mga termino katulad ng voluntary retirement, relief goods, rush hour.

Ito ang talino’t galing, puso’t konsensya!

-Genevieve L. Asenjo

 

Malupit ang mga mundong kinabibilangan ng mga tauhan ni Rogelio Braga. Nanggigipit ang mga ito para magbenta ng mga bagay na hindi naman dapat ibenta, para magnakaw ng hindi naman dapat ninanakaw. Nagkalat dito ang mga indibidwal na hindi malaman kung totoo, kung bunga ng nilalagnat na pagpapantasya sa matagal nang hinahanap, tigmak ito ng mga bangkay, nangangalingasaw ang kawalan ng kalayaan. Pero matatapang naman ang kanyang mga tauhan. Diretso magsalita, walang kinatatakutan, at kahit naglalandi, hindi nalilimot kung ano ang paninindigan. Sa madaling salita, nagpupunyagi ang mga tauhan ni Braga, ang mga kuwento niya, sa kabila ng samu’t saring pagkaduhagi. At iyon nga yata ang espiritu ng koleksiyong ito: tiim-bagang, umuusok ang ilong, habang nagtatanong, kung ano nga ba itong tinatawag na rush hour sa isang third world country?

-Chuckberry Pascual

About the Author

Mandudula, mananaysay, at nobelista si Rogelio Braga.  Anim sa kanyang mga dula ang naitanghal na sa taunang Virgin Labfest ng Cultural Center of the Philippines.  Nailathala ang Sa Pagdating ng Barbaro at Iba Pang Mga Dula ng Ateneo de Naga University Press noong 2014 na koleksiyon ng kanyang mga dula sa isang yugto. Fellow siya ng Asian Cultural Council para sa Teatro sa Timog-Silangang Asya noong 2016.

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s